What are you wild about, Serial Tripper?

Up-and-coming Travel/Food blogger Judd Sta. Maria of Serial Tripper shares with us his latest purchase that he is so wild about!




K guys, Judd's answers are all in Filipino! So if you don't understand that lingo, please translate through Google LOL



What  is that one purchase that you are so wild about?


"Kasalukuyan kong kinababaliwan ang aking bagong camera: isang mahinhin at pangmahirap na Canon 60D. Mahal na mahal ko ang aking camera sapagkat ito ang nagbibigay-buhay sa aking malungkot na pagkatao. Pinaliliwanag nito ang araw ko gamit ang simpleng pag-adjust sa shutter speed, aperture, at ISO setting! Hindi ba't nakakatuwa?

Sa katunayan, labis ang aking pagkabighani sa aking nabiling camera kaya't akin itong binilhan ng EF 50mm f/1.8 II lens bukod sa kasama na nitong EF-S 18-55mm f/3.5-5.6 IS lens. Naisip kong maari itong malungkot sa dilim tuwing gabi kaya't binilhan ko na rin ito ng Speedlite 580EX II external flash. Upang makumpleto ang aking pamimili, sinamahan ko na rin ito ng isang Tenba bag, eneloop batteries (at charger), mga filters, at lens hood."




Why did you choose this camera?


"Napili ko ang Canon 60D dahil ang totoo niyan, naghahanap ako ng Nikon D7000 ngunit hindi ito available sa tindahang aking pinuntahan. Naisip kong bumili nalang ng Canon sapagkat karamihan sa aking mga kamag-anak ay pawang nagtataglay ng mga camera na gawa rin ng Canon, at marami akong mahihiraman ng lente.

Matagal-tagal ko na ring pinangarap na magkaroon ng sarili kong DSLR camera; sa katunayan, tinangka ko nang bilhin ang pinakamamahal na 450D camera ni Trixie ngunit sa aking pagkabagot ay naisip niyang hindi na niya iyon gustong ibenta."




Do you find this camera a keeper?


"Tumpak! Ang intensyon ko sa camera kong ito ay pagkakitaan at sa paglao'y mabawi ko ang perang ginamit ko para dito. Intensyon ko ring makaipon (sa tulong ng aking bagong Canon 60D) upang makabili ng isa pang DSLR nang sa gayon, hindi ko na kakailanganin pang magpalit-palit pa ng lente tuwing nag-iiba ang kailangan ko para sa kung ano man ang kinukunan ko ng litrato. Ang camera na ito ay pangmatagalan, at sana'y ganoon rin ang turing mo sa Wild About Retail! Mabuhay ka!" - Judd Sta. Maria






3 comments:

  1. Mabuhay ka Trixie! Wild About Retail is full of win!

    ReplyDelete
  2. ang kulet talaga ni Judd... bute na lang pogi siya! shucks! nakaisa nanaman si judd sakin... next year na ulet. :)

    ReplyDelete